Ina at 4-anyos na anak, pinaslang sa San Pablo City; 14-anyos na suspek sumuko sa pulis

0
66

SAN PABLO CITY, Laguna — Isang 32-anyos na ina at kanyang apat na taong gulang na anak ang nasawi matapos umanong pagsasaksakin ng isang 14-anyos na binatilyo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Del Remedio noong gabi ng Linggo, Mayo 24.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima sa pangalang Maria at ang kanyang anak na si Kid, na mga pseudonym lamang at hindi ang kanilang tunay na pangalan, alinsunod sa Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Batay sa paunang imbestigasyon, natagpuan ang mga biktima ng asawa ng babae sa loob ng kanilang bahay at bakuran. Dinala pa sa ospital ang bata, ngunit idineklara itong dead on arrival.

Agad na rumesponde ang mga opisyal ng barangay at ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente. Narekober din ng mga awtoridad ang ilang ebidensya sa pinangyarihan ng krimen.

Noong Lunes, Mayo 25, kusang sumuko sa mga pulis ang suspek na isang menor de edad.

Sa hiwalay na impormasyong nakalap mula sa mga source, lumalabas na posibleng may personal na alitan ang insidente, kabilang ang alegasyon na umano’y binully ng ama ng biktima ang suspek. May lumulutang ding ulat na posibleng may kinalaman sa umano’y pagnanakaw ng binatilyo sa bahay ng mga biktima, bagaman hindi pa ito kumpirmado ng mga awtoridad.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang tunay na motibo sa krimen.


Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.