MAYNILA — Kinilala ni Senador Alan Peter Cayetano na posibleng magkaroon ng pagbabago sa liderato ng Senado matapos niyang sabihin na lumilitaw na makakabuo na ng mayorya ang kabilang panig para pumili ng bagong Senate president, kasunod ng mga ulat ng paglipat ng suporta ng ilang senador, kabilang si Senador Joel Villanueva.
Sa isang pahayag na inilathala sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cayetano na handa siyang tanggapin ang magiging resulta ng anumang pormal na botohan sa plenaryo at hindi niya haharangin ang proseso ng pagpili ng susunod na lider ng Mataas na Kapulungan.
“And now, after speaking with Sen. Joel Villanueva, it appears our colleagues on the other side will soon have the numbers to elect a new Senate President. I will not stand in the way of that vote,” bahagi ng kanyang pahayag.
Binigyang-diin din niya na ang anumang posisyon sa isang demokratikong institusyon ay pansamantala lamang at nakasalalay sa tiwala ng mga kasamahan sa lehislatura.
“Leadership in a democracy is never permanent; every office we hold is a loan, never a possession,” dagdag niya.
Nagpasalamat si Cayetano sa pagkakataong makapagsilbi bilang Senate president at sinabi na magpapatuloy siya sa pagsusulong ng pananagutan at paghahanap ng katotohanan kahit wala na sa naturang posisyon.
“Offices are temporary, titles are temporary, even majorities are temporary — but your right to the truth is not,” aniya, habang binigyang-diin ang kanyang pangako na ipagpapatuloy ang pagbusisi sa mga isyu ng pananagutan.
Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, ipinahayag din niya ang pasasalamat sa publiko at sinabing mananatili siyang aktibo sa serbisyo publiko sa anumang kapasidad.
“I may leave the position of SP, but I am honored to still be your PS — your Public Servant,” dagdag niya.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






