Matagumpay na transplant ng puso ng baboy sa tao, tinawag na isang himala

0
217

Tinawag na himala ng anak ang first-of-its-kind surgery na isinagawa sa kanyang ama noong Enero 7, sa University of Maryland Medicine. Ang transplant recipient ng genetically modified pig heart ay kasalukuyang nagpapagaling, ayon sa report.

Ang operasyon, na isinagawa ng isang team ng University of Maryland Medicine ay kabilang sa mga unang matagumpay na posibilidad ng pig-to-human-heart transplant, isang larangan ng bagong gene editing tools.

Kung tuluyang magtatagumpay, umaasa ang mga siyentipiko na ang mga organ ng baboy ay makakatulong sa pagpapagaan ng malubhang kakulangan sa organ donors sa Amerika. Para sa 57-taong-gulang na si David Bennett ng Maryland, ang transplant ng puso ng baboy ay ang huli niyang pagpipilian.

“This is significant for my dad, for the United States, for the world. This is groundbreaking, this is remarkable and frankly, this is a miracle. I myself have some heart issues at 37 years old so my dad is certainly changing the future for even myself,” ayon kay David Bennett Jr., anak ng pasyente.

Bago isinagawa ang operasyon, inalis ng transplant team ang puso ng baboy at inilagay ito sa isang espesyal na aparato upang mapanatiling gumagana ito hanggang sa mai-transplant.

“He was in the operating room three days straight. He’s got a lot of swelling throughout his body, and so he’s suffering a great deal. This healing is going to be a process and so again, the first words out of his mouth were ‘I can’t take this’ but I know how strong my dad is,” dagdag pa ni Bennett, Jr.

Ang mga baboy ay matagal nang pinag aaralan bilang isang potensyal na mapagkukunan ng organs para sa transplant dahil ang kanilang mga organs ay may pagkakahalintulad sa tao.

Ang mga naunang pagsisikap sa mga paglipat ng pig-to-human transplants ay nabigo dahil sa mga genetic differences na nagdulot ng organ rejection o mga virus na nagdulot ng panganib sa impeksiyon.

Nalutas ng mga siyentipiko ang mga problemang ito sa pamamagitan ng page-edit ng potensyal na mapaminsalang mga gene at pagdaragdag ng mga gene ng tao na nag uugnay sa immune acceptance.

David Bennet (right) with his surgeon, Dr. Bartley Griffith, at University of Maryland Medical Center. University of Maryland School of Medicine
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.