39K na bagong kaso ng Covid-19, naitala ng DOH

0
145

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng isa pang record-high na 39,004 daily coronavirus disease 2019 (Covid-19) infections noong Sabado ngunit nakakuha din ng 23,613 bagong recoveries.

Ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 280,813 habang ang kabuuang recoveries ay tumalon sa 2,834,708, o 89.5 porsyento ng 3,092,409 na impeksyon na naitala mula noong nagsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sa mga aktibong kaso, 267,185 ang mild, 2,925 ang moderate, 8,928 ang asymptomatic, 1,472 ang malala, at 303 ang kritikal.

“Of the 39,004 reported cases today, 38,271 (98 percent) occurred within the recent 14 days – Jan. 2, 2021 to Jan. 15, 2022,” ayon sa DOH.

Ang mga region na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 18,142 o 47 porsyento ng mga bagong impeksyon; Calabarzon, 9,172 o 24 porsyento; at Central Luzon, 3,325 o 9 percent.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.