ATM: Nakipag negosasyon ang FBI sa hostage taker sa isang synagogue sa Dallas-Fort Worth

0
299

Nakikipag-usap ang team ng FBI sa Texas sa isang lalaking kasalukuyang may bihag na isang rabbi at tatlong iba pa sa isang hostage crisis sa isang synagogue sa Dallas-Fort Worth kahapon.

Hinihiling ng lalaki na palayain ang isang federal prisoner na nahatulan noong 2010 ng tangkang pagpatay sa isang kasong may kaugnayan sa anti-terrorism, ayon sa mga opisyal.

Nag-tweet ang Colleyville Police Department kahapon na nagsasagawa ito ng mga operasyon ng SWAT sa address ng Congregation Beth Israel.

Hindi bababa sa apat na bihag ang pinaniniwalaang nasa loob ng synagogue, ayon sa dalawang law enforcement oficials na hindi awtorisadong magpalabas ng detalaye ng negosasyon.

Ang mga pulis ay unang tinawag sa synagogue bandang 11 a.m. at kasunod nito ay inilikas ang mga residente sa paligid ng gusali ng Congregation Beth Israel.

Ayon sa tatlong matataas na law enforcement officials, ang hostage taker ay may hawak na isang Rabbi, at posibleng iba pang hostage. Anila ay gustong palayain nito si Aafia Siddiqui mula sa federal prison.

Si Siddiqui, 49, ay hinatulan ng federal judge noong 2010 sa tangkang pagpatay sa mga opisyal ng U.S. sa Afghanistan at kasalukuyang nakakulong sa FMC Carswell, sa Fort Worth Texas.

Sinusubukan ng mga pulis sa Texas na matukoy kung ang hostage taker ng Rabbi at iba pang bihag ay may kaugnayan kay Siddiqui.

Ang mga synagogue service ay na-livestream sa Facebook ng Congregation Beth Israel. Bandang alas dos ng hapon, narinig na nagmumura ang isang lalaki na nagsabi ng ng: “You got to do something. I don’t want to see this guy dead.”  Matapos ang ilang sandali ay naputol ang feed.

Samantala, sinabi ni Gov. Greg Abbott sa tweeter na ang sitwasyon ay “tense,” ngunit patuloy na nakikipagtulungan ang local at federal team upang makamit ang pinakamahusay at pinaka ligtas na resulta.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.