British national na Texas hostage taker, kinilala ng FBI; 2 pang kabataan inaresto sa Britain

0
180

Kinilala ng FBI kahapon ang British national na si Malik Faisal Akram, 44, ang taong nang-hostage sa isang standoff sa isang Texas synagogue, .

Kaugnay nito, dalawang teen ager ang inaresto sa Britain na pinainiwalaang may koneksyon sa naganap na hostage situation, ayon sa Tweet ng Greater Manchester Police sa Twitter kahapon. Ang dalawa ay inaresto kagabi (7:00 p.m. ET) at ayon sa report ay kasalukuyang nasa mga kamay ng pulis para sa questioning.

Ayon kay FBI chief Matthew DeSarno, ang isinasagawang pagsisiyasat ay sangkot ang Britain at Israel. Sinabi din niya na ang namatay na hostage taker ay nakatuon sa isang isyu na hindi direktang konektado sa komunidad ng mga Hudyo. 

Ayon naman sa report ng  Metropolitan Police ng London, si Akram, ang napatay na hostage taker, ay mula sa Lancashire area ng northwest England. Ang British counter terrorism police ay kasalukuyan ng nakipag tulungan sa mga awtoridad ng U.S. hinggil sa kaso.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.