‘No vax, No ride’ policy sinuportahan ng 7 LGUs sa Laguna

0
387

Pitong bayan at lungsod sa Laguna ang nagpalabas ng kautusan at ordinansa hinggil sa regulasyon ng paglilimita sa paglabas ng mga walang bakuna sa gitna ng patuloy na pagtaas ng active cases ng Covid-10 sa lalawigan ng Laguna.

Kabilang sa mga local government unit na nagtakda ng patakaran ang Biñan City, at mga bayan ng  Los Baños, Kalayaan, Mabitac, Magdalena, Pagsanjan, at Pila, ayon sa report ng Department of Interior and Local Government Calabarzon.

Ayon sa mga ordinansa, bawal munang lumabas at sumakay sa pampublikong transportasyon ang mga mamamayan na wala pang bakuna.

Nauna dito, nagkasundo ang mga mayor sa National Capital Region na ipairal ang ordinansa sa ‘No vaccine, no ride’ policy” upang higpitan ang pag galaw ng mga wala pang bakuna.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.