Calamba City, Laguna. Nadakip ng Laguna PNP ang tatlong drug suspects sa dalawang magkakahiwalay na operasyon, batay sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo C. Cruz kahapon.
Inresto sa ilalim ng operasyon ni Calamba City Police Station sa pnagngasiwa ni PLTCOL Arnel L. Pagulayan si Jose Avelino Lacanlale, 51 anyos at ang asawa nitong si Imelda Lacanlale alyas Dang, 48 anyos at pawang mga residente ng Brgy. 3, Calamba City. Sila ay nadakip matapos magbenta ng iligal na droga sa pulis na umaktong poseur buyer sa isang operasyon sa Lazaro Compound, Brgy. 3 sa nabanggit na bayan bandang on 4:58 ng hapon kahapon.
Nakuha sa mga suspek ang 4 na sachet o 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 13,600.00 kasama ng limandaang piso buy-bust na pera.
Nahuli naman ng Liliw Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Officer in Charge PLT Amado Jose Basilio, Jr. si Melvin Villamor alyas Vin, 35 anyos, isang binatang welder na naninirahan sa Brgy. 1B, San Pablo City, Laguna, matapos magbenta ng bawal na droga sa isang poseur buyer sa isang buy-bust operations sa isinagawa sa Brgy. Culoy, Liliw, Laguna, kanina bandang 1:20 ng madaling araw. Nakuha sa kanya ang 2 sachet na hinihinalang shabu at sanlibong pisong buy-bust money.
Ang mga naaresto ay kakasauhan ng paglabag sa Violation of R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Ang mga ebidensyang nakuha sa kanila ay dadalhin sa Crime Lab Office upang sumailalim sa forensic examinations.
“We will continue to eradicate illegal drugs at all costs. I urge the people of Laguna to actively participate in our campaign against illegal drugs to save their families from the crimes that could be committed by these drug personalities,” ayon kay PCOL Campo.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.