DILG sa LGUs: Kumbinsihin na magpabakuna ang mga unvaxxed na mahaharang sa checkpoints

0
189

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules ang mga local government unit (LGU) na gumawa ng malikhaing paraan upang kumbinsihin ang mga taong hindi pa nabakunahan laban sa Covid-19 na nahaharang sa mga checkpoint.

Tinuran ni Interior Secretary Eduardo Año, ang Taguig LGU sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lino Cayetano sa pagkumbinsi sa mga hindi pa nabakunahan na nahuhuli sa mga checkpoints na agad nabakunahan sa mga vaccination site.

This is a best practice that should be adopted by other LGUs. LGUs may still craft other initiatives and ideas to encourage people to get vaccinated,” ayon kay Año.

Nauna niyang sinabi na pabor siya sa mga panukala na dalhin ang mga hindi pa nababakunahan sa mga inoculation center para mabigyan sila ng jab.

“Taguig City has been doing that on the first day of implementation of restricting unvaccinated persons to their homes. They caught 400 persons at their checkpoints. They were brought to the vaccination site and they agreed to get vaccinated,” dagdag pa ni Año.

Ipinag-utos ni Cayetano ang pagtatayo ng mga vaccination registration booths at ang deployment ng mga shuttle vehicle sa mga checkpoint sa buong lungsod.

Ang programa ay pinasimulan upang matiyak na ang mga residenteng gustong magpabakuna ay magkakaroon ng mas madaling access sa inoculation.

Samantala, sinabi ni Año na negatibo na siya sa Covid-19 batay sa resulta ng kanyang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test noong Lunes ng gabi.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.