CAMP VICENTE LIM, Laguna. Binaril at napatay ang isang babaing negosyante sa Rodriguez, Rizal noong Martes, ayon sa report ni Rodriguez Police Station Chief Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr. sa Police Regional Office Calabarzon.
Ang biktima ay kinilalang si Camille Camacho, 31 anyos ay sakay sa kanyang pulang Toyota Hilux papunta sa Brgy. Balite noong siya ay barilin sa kahabaang ng M. H. del Pilar Street, habang papunta sa Brgy. Balite, bandang 7:30 ng umaga, batay sa report ni Lt. Col. Pipo.
Hinihinala ng mga imbestigador na ang motibo sa pagpatay ay kompetensya sa negosyo. Ang biktima ay may online selling at money lending.
“Mayroon na kaming person of interest. Kami ay nangangalap pa ng ebidensya at tumitingin sa ilang closed-circuit television camera malapit sa pinangyarihan ng krimen upang matulungan kaming makilala ang salarin na tumakas ng naglalakad patungo sa town proper,” ayon kay Pipo.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.