Pfizer at Moderna sa PH, gagamitin para lamang sa pediatric vaccination

0
456

Ilalaan ng gobyerno ang Pfizer at Moderna brands ng Covid-19 vaccines para sa pediatric vaccination program ng bansa, ayon sa National Task Force (NTF) laban sa Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., kahapon.

“We have decided na yung other vaccine lang like yung Moderna and Pfizer iko-concentrate namin yun sa tinatawag nating pediatric vaccination, considering that it will also be used as boosters for 12 to 17 years old,” ayon kay Galvez sa ceremonial rollout ng “Resbakuna sa Botika” program sa Pasig City.

Sinabi ni Galvez na inaasahan ng gobyerno ang pagtaas ng demand ng bakuna para sa pediatric vaccination dahil malapit na nilang simulan ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Kaugnay nito, hinihintay din ng gobyerno ang emergency use authorization (EUA) ng Covid-19 jab para sa zero hanggang apat na taong gulang.

“As of this moment nakikita namin na tataas ang requirement ng pediatric vaccination because starting already the 5-11 and later pagkanagkaroon na ng EUA ang 0-4, we will start it again so nakikita natin malaki ang requirement natin” ayon pa rin kay Galvez.

Ang gobyerno ay nagbabalak makakuha ng mahigit sa 60 milyon na formulated o mas mababang dosis na mga Covid-19 jab para sa first dose at mga booster shot ng pediatric population.

Ang bansa, ayon kay Galvez, ay mangangailangan ng 12 milyong dosis para sa 12 hanggang 17 taong gulang, higit sa 15.56 milyon para sa 5 hanggang 11 taong gulang gayundin ang 11.11 milyong dosis para sa mga sanggol at batang o 0-4 na populasyon.

Nauna dito, sinabi ni Galvez na may 780,000 lower-dosed Pfizer vaccines para sa younger age group na inaasahang darating sa katapusan ng Enero at susundan ng 1,632,000 doses sa Pebrero.

Idinagdag niya na ang aplikasyon ng EUA ng Sinovac Biotech Ltd. para sa 3 hanggang 17 taong gulang ay isinasagawa na.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.