PNP ang anti-corruption drive, pinalakas ng mga bagong guidelines

0
205

Naglabas ng alituntunin Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kahapon upang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa katiwalian sa loob ng PNP.

Layunin ng bagong direktiba sa pamumuno ni PNP chief Gen. Dionardo B. Carlos na palakasin ang cleansing program sa mga tauhan ng pulisya upang garantiyahan ang tiwala ng publiko.

Sa ilalim ng mga bagong patakaran, isang IAS desk ang itatatag upang himukin ang publiko na ipahayag ang kanilang mga hinaing at ibahagi ang mabubuting nagawa ng mga law enforcers.

“Under this program, partner stakeholders can have an avenue to voice out their concerns, grievances as well as recognition for the good deeds of any personnel or unit,”ayon kay Carlos.

Ang IAS desk ay magsisilbing sentralisadong imbakan ng lahat ng impormasyon na nauukol sa PNP at mga tauhan nito. Ang mga nakalap na datos ay dapat gamitin sa paglikha ng interbensyon upang matugunan ang mga isyu at alalahanin.

Tututukan din ng IAS ang mabilis at walang kinikilingan na disposisyon ng mga kasong administratibo laban sa mga tauhan ng PNP na sangkot sa graft at corrupt practices.

Ayon pa rin sa patakaran, kasama ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang agarang administrative proceedings ay isasagawa ng IAS upang matukoy ang administratibong pananagutan ng mga naarestong tauhan ng PNP at kung sapat na ang ebidensya para matanggal sila sa serbisyo.

Magsasagawa rin ang PNP-AIS ng pinaigting na proactive inspection approach kung saan lahat ng PNP personnel ay isusumite ang kanilang mga sarili sa attendance checking, kabilang ang appearance at public impression evaluation.

Ang IAS ay nasa huling yugto na ng pagbalangkas ng mga pamamaraan at parameter ng State of Discipline kung saan lahat ng PNP units/stations ay maaari na ngayong mahigpit na magmonitor at magabayan ng kani-kanilang tauhan upang maiwasan ang pagkakasangkot sa anumang ilegal na aktibidad tulad ng graft at corruption.

“This is how the organization works. We continue to devise ways to better improve the system and to ensure that we remain committed to our mantra of serving and protecting the public with integrity,” ang pagtatapos ni Carlos na may pagbibigay diin na ang pangunahing tungkulin ng pulis ay itaguyod ang tuntunin ng batas.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo