38K na halaga ng shabu nakumpiska sa maglalako ng walis tambo

0
260

Sta. Cruz, Laguna.  Natimbog ang isang walis tambo vendor kagabi na nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa isang buy-bust operations, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz kaninang umaga.

Si Edilberto Estrada alyas Idroy, 55 anyos, naglalako ng walis tambo ay inaresto ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pangangasiwa ni PLTCOL Paterno L. Domondon kahapon, bandang 8:30 PM of January 22, 2022 sa Sitio Matatag, Barangay Calios, Santa Cruz, Laguna, matapos mahulog sa bitag ng isang poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 38,000.

Nahuli naman ng mga elemento ng Calamba Police Station sa pangunguna ni Chief PLTCOL Arnel Pagulayan si Vida Reynoso alyas Madam, 40 years old, isang call center agent kasama si Christian Javier, 31 years anyos at walang pormal na trabaho. 

Ang dalawang suspek ay dinakip matapos magbenta ng iligal na droga sa isang tanim na buyer sa Purok 6, Brgy. Lingga, Calamba City, Laguna, kahapon bandang 2:49 ng hapon.

Nakuha sa dalawang magkasamang suspek ang 4 na sachet ng pinagsususpetsahang shabu na may street price na Php 6,800.

Inaresto din ng mga tauhan ng San Pedro City Police Station sa ilalim ng superbisyon ni Officer-in-Charge PLTCOL Socrates S. Jaca SOCRATES SOLINAP JACA, si Sherwin Uñez, 30 anyos, walang matinong trabaho kasama si  Arsenio Paras, 56 anyos najobless, bandang 11:16 hapon, kahapon sa gilid ng BPI Bank, Brgy Nueva, San Pedro City, Laguna matapos magbenta ng iligal na droga sa isang pulis na poseur buyer. Nakuha din sa kanila ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga arestado ang kakasuhan ng paglabag sa Violation of R.A 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Isusumite naman sa Crime Lab ang mga ebidensyang nakuha sa 

“Sa pamumuno ng ama ng kapulisan na si PGEN Dionardo B. Carlos, ang Laguna PNP ay kaisa  sa kanyang layunin at hangarin na supuin ang illegal na droga kung kayat ang Laguna PNP ay hindi titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa lahat ng uri ng krimen lalo na sa illegal na droga,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.