Pag iipon para sa retirement ang tunay na tagumpay

0
289

Maayos ay komportable retirement life o ang main goal ng isang matagumpay na retirement plan. Kung magkano ang kakailanganin natin at kung anong buhay ang gusto natin sa mga taon ng retirement, dapat ito ay naka angkla sa reyalidad.

May mga taong malakas ang kumpiyansa na meron silang job security hanggang sa sila ay mag retiro na may sapat na pera. Totoo ito sa mga permanenteng empleyado ng gobyerno. Basta huwag lang magkakakaso ay sigurado na ang kanilang retirement.

Iba naman ang kaso ng mga entrepreneur dahil kailangan nilang mag ipon ng sapat bago mag retire sa panahon na sa tingin nila ay pwede na. Depende ito sa status ng asset level at ng naipon.

Kakailanganin nilang maglaan ng mas mataas na porsyento mula sa kita para sa savings kung nangangarap sila ng  enjoyable na retirement life o mag level up na lifestyle kapag retirado na.

Ang pagbuo ng ating retirement funds ay nangangailangan ng maingat na pagpaplano. Mahalagang may maayos at regular na pag aaral sa status ng mga kasalukuyang asset, bilang ng mga taon na natitira hanggang sa tayo ay mag retiro, at kung magkano ang ating maiipon sa loob ng pre-retirement years. 

Walang eksaktong science na pwedeng gamitin sa projection kung magkano talaga ang kailangang maipon para sa retirement.  Pero may mga ilang factors na dapat tingnan:

  • Ang inaasahang pang-araw-araw na living expenses
  • Life expectancy
  • Ang iyong mga inaasahang gastos
  • Ang iyong mga mapagkukunan (maliban sa mga ipon sa pagreretiro) na maaaring mag-cover sa mga hindi inaasahang  gastos; kasali din ang mga gastos sa insurance gaya ng annuity at healthinsurance.
  • Ang iyong ari-arian (kung may sarili kang bahay o kung natitirang pang balanse sa mortgage)
  • Ang gusto mong retirement life, kung plano mong mamuhay ng tahimik o gusto mong mag travel sa buong mundo.

Kapag natukoy natin ang mga factors na to ay pwede ng magsimulang mag ipon at mag invest para sa retirement gamit ang mga binanggit ko sa itaas. Ito ay ilan lang sa mga basic na batayan para makatiyak sa patok na retirement plan pero hindi ito ang pangkalahatang kundi ideya lamang.

Author profile
myrone zabat Jr
Marius Myrone S Zabat Jr

Si Marius Myrone S Zabat ay naging presidente ng San Pablo Amateur Radio Club (1996-1997), JCI San Pablo (1997-1998), at San Pablo Jaycees Senate (2001-2003). General Manager din siya ng  Milmar Distillery at Tierra De Oro Resort-Hotel.