Komadronang pulis, pinuri ni PNP Chief Carlos

0
363

Binigyan ng papuri ni Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos si Patrolman Lhar Talaga, Assistant Police Community Relations ng Caticlan Airport Police Station, Aviation Security Unit 6 dahil sa mabilis na pagtugon na tulungan ang isang babaeng manganganak sa Afga Tangalan, Aklan, noong Enero 27, 2022.

Humingi ng tulong kay Pat Talaga ang ina ng babaing manganganak at agad namang pumasok sa kanilang bahay ang pulis. 

Ayon sa Internal Examination (IE) na isinagawa ni Talaga sa pasyente, 9 centimeter cervical dilation o nasa stage 2 labor na ang buntis at senyales na lalabas na ang sanggol kung kaya’t nagsagawa na ng spontaneous normal delivery procedure ang pulis hanggang sa wakas ay nakapagsilang na ng malusog na isang sanggol si Rachel Mae Panagsagan.

Napag alaman na si Talaga ay isang registered nurse at may karanasan sa bilang isang trained health professional sa larangan ng childbirth.

Bilang Assistant PCR PNCO, aktibo siyang nagsasagawa ng mga aktibidad na naglalayong ilapit ang pulisya sa komunidad. Ginagamit pa niya ang kanyang Savings, Combat Incentive Pay (CIP), at Combat Duty Pay (CDP) sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

“Compassion is the ultimate expression of one’s self and giving exudes a great feeling of satisfaction,” ayon kay Talaga.

“This is a concrete example that every person may have other skills and niches that can be maximized to render service to the public. Patrolman Talaga is a living testimony to the many wonderful deeds that go beyond the call of duty,” ayon naman sa mensahe ni Carlos.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.