Campo: Seryoso ang PNP Laguna laban sa iligal na sugal, 36 suspek arestado

0
1444

Sta. Cruz, Laguna.  Nasakote ang 36 na iligal na sabungero sa lalawigan ng Laguna sa ilalim ng magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations na patuloy na isinasagawa ng Laguna PNP.

Huli sa aktong nagtutupa sina Nestor Alday Liscano, Joel Lescano Exconde, Ramil Mercado Reyes at Noel Fule Guia na pawang mga residente ng San Pablo City. Sila ay inaresto kahapon sa Bgry. San Jose ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station sa pamumuno ni PLTCOL Garry C. Alegre.

Dinakip din sina Danilo Caidic, Nestor Maestre, Joesiry Coruña, Christopher De Jesus, John Paulo Trejinal, Elizardo Mejarito, Deomides Rosel, Roland Virtodez, Wilfredo Nacario na pawang naninirahan sa Pangil Laguna sa anti-illegal gambling operations na isinagawa ni Pangil Municipal Police Station (MPS) Chief PLTCOL Arnold O. Moleta bandang 12:53 ng tanghali kahapon sa Brgy. Saray, Pangil, Laguna.

Sa Sta. Cruz, Laguna, sa pangangasiwa ni Sta. Cruz MPS Chief PLTCOL Paterno L. Domondon ay inaresto sina Arnel Kamatoy, Endolicio Solis, Restituto Galarde, Bryan Solis, Esmeraldo Berunio, Forest Boyles, Christian Ubaldo, Ronilo Alvarez, Andro Reyes, Zarlo Meras, Fernando Banocnoc, na mga residente ng Santa Cruz Laguna sa aktong nagtutupda sa Sitio Matahimik, Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.

Gayundin ay naaresto sa Liliw, Laguna ng mga elemento ng Liliw MPS sa pangangasiwa ni PLT Amado J. Basilio, Jr. sina Mario Montesines, Alvin Tunay, Ken Harvey San Juan,.Joran San Lorenzo, Baltazar Cometa, Jerry Polluso, Leonel Adonis, pawang mga tubong Liliw.

Samantala, arestado din sina Tamano Romujo Pakil, Ryan Ariap Abayon, Celnor Phil Dianon Alipar, Jayson Alano Clavecilla, Ritche Alipoyo Auguis, pawang mga nakatira sa Sta. Rosa, Laguna sa operasyon na isinagawa ng Sta. Rosa Police sa isang bakanteng lote sa Mercado Village Sitio STI Brgy. Pulong Sta Cruz, Sta Rosa City, Laguna.pangunguna ni PLTCOL Paulito M. Sabulao.

Ang mga suspek ay dinala sa mga tanggapan ng PNP na nakakasakop sa kanila at ang mga ebidensyang manok na pansabong, mga tari at perang pamusta na nakuha sa kanila ay sasailalim sa tamang disposisyon, ayon sa ulat ni  Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B. Campo kay Regional Director PRO-CALABARZON PBGEN Eliseo DC Cruz.

“Ito ang patunay na seryoso ang Laguna PNP sa pagsagawa ng mga operasyon laban sa mga illegal na pasugalan sa lalawigan ng laguna,” ayon kay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.