DM-X Technologies Inc., nag-aalok ng walang patid na supply ng elektrisidad sa bayan ng Oriental Mindoro

0
398

Nagpaplano ang isang energy solution company na magsagawa ng pilot project na nangangakong maghatid ng 24/7 na serbisyo ng elektrisidad sa mga komunidad sa Bongabong, Oriental Mindoro, gamit ang mga power technology at clean energy.

Nakipagpulong si Bongabong Mayor Elegio Malaluan kay DM-X Technologies Inc. chair at chief executive officer Deodato Reloj Jr. noong Biyernes sa Clark, Pampanga at tinalakay ang posibleng partnership.

Ang core ng DM-X ay nag-aalok ng distributed power generation system (DPGS) na bumubuo ng primary power kumpara sa pagiging standby power generator lang.

Ang kumpanya ay distributor din ng mga  lubricants and clean fuel proprietary technology na pag aari ng isang gas company na Amptron Corporation sa Estados Unidos.

Umaasa si Malaluan na ang mga teknolohiya ng DM-X ay magbubukas ng higit pang mga pagkakataon at magbibigay daan para sa pag-unlad ng Bongabong na aniya ay nahahadlangan ng hindi episyenteng serbisyo ng kuryente sa isla.

Sa Mindoro, parating brownout. Ang pino-propose nila (DM-X) ay magkaroon ng power plant sa Bongabong at Roxas, at ‘yung Bongabong ang magiging model or pilot. Kung magkaganoon, ‘pag naging maayos iyon, sa ibang bayan naman,” ayon kay Malaluan sa isang panayam ng Philippine News Agency.

“The decision was to pilot a one-megawatt project in Bongabong to show the DOE, Transco, and Napocor that DM-X can be a primary source of power. In the future, we would expand to serve more of Bongabong’s constituents and provide them with electricity 24/7,” dagdag pa niya.

POWER SUPPLY. (Mula kaliwa) DM-X Technologies Inc. chair Deodato Reloj Jr., National Commission for Indigenous Peoples Provincial Officer for Oriental Mindoro Reynante Luna, DM-X Philippine representative Jenifer Reloj, at Bongabong, Oriental Mindoro Mayor Elegio Malaluan habang tinitingnan ang power generation equipment sa DMX warehouse sa PhilExcel Business Center sa Clark, Pampanga noong Biyernes, Enero 28, 2022. Ang DM-X ay nagnanais na mag-pilot project ng 24/7 power project sa Bongabong. (Photo credits:Joey Razon)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.