WHO: Maaga pa para sa alinmang bansa na sumuko o mag deklara ng tagumpay

0
240

Ang pagbabakuna ng 70% ng populasyon ng mga bansa ang tanging paraan upang wakasan ang pandemya, ayon kay Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, Director-General, World Health Organization (WHO) sa isang media briefing kagabi.

“We are now starting to see a very worrying increase in deaths, in most regions of the world. It’s premature for any country either to surrender, or to declare victory,” ayon kay Ghebreyesus.

Sinabi ng WHO director general na nag aalala sila sa nangyayari sa ilang bansa nagbaba na ng restrictions dahil sa mga bakuna at dahil kahit mas mabilis ang transmissibility ng Omicron na mas banayad ang mga sintomas nito at hindi na posible ang pagpigil sa hawahan.

Maaga pa para sa alinmang bansa na sumuko, o mag deklara ng tagumpay, ayon sa kanya.

“Ang mas maraming transmission ay nangangahulugan ng mas maraming pagkamatay. Hindi kami nananawagan para sa anumang bansa na bumalik sa tinatawag na lockdown. Ngunit nananawagan kami sa lahat ng bansa na protektahan ang kanilang mga tao gamit ang bawat tool sa toolkit, hindi ang mga bakuna lamang,” ayon pa rin kay Ghebreyesus.

Mapanganib ang virus na ito, at patuloy itong nagmu-mutate. Kasalukuyang sinusubaybayan ng WHO ang apat na sub-lineage ng Omicron variant of concern, kabilang ang BA.2, ayon sa kanya.

“Ang virus na ito ay patuloy na mag-evolve, kaya naman nananawagan kami sa mga bansa na ipagpatuloy ang mga testing, pagsubaybay at sequencing. Hindi natin malalabanan ang virus na ito kung hindi natin alam kung ano ang kayang gawin nito,” ang pagbibigay diin ng WHO director general .

Binigyan diin ni Ghebreyesus ang kahalagahan ng patuloy na pagkilos  upang matiyak na ang lahat ng tao ay may access sa mga bakuna. Tinuran niya na batay sa mga resulta ng pag aaral ay napag alamang mataas ang kredibilidad ng mga bakuna laban sa coronavirus deisease.

Samantala, iniulat naman ni WHO Chief Scientist, Dr. Soumya Swaminthan na 10.1B dosis na ng bakuna ang naibibigay sa buong mundo. Humigit kumulang na 4.16B na ang fully vaccinated 0 53.3% ng total na populasyon, ayon pa rin sa report ng WHO.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.