DND Chief sa mga sundalo: Umiwas sa partisan politics

0
222

Pinaalalahanan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang lahat ng tauhan ng militar na manatiling non-partisan at apolitical sa darating na May 9 elections.

Ang paalala ibinaba sa kanyang pagbisita sa Camp Kibaritan sa Kalilangan, Bukidnon kung saan nagkaroon siya ng maikling pakikipag-usap sa mga kalalakihan at kababaihan ng Mindanao Training Group ng Philippine Army.

“Habang malapit nang matapos ang termino ko bilang SND (Secretary of National Defense), pinasalamatan ko ang bawat isa sa kanila sa solidong suporta na ibinigay nila sa akin. Pinaalalahanan ko rin silang manatiling non-partisan at apolitical sa darating na pambansang halalan. at gawin ang kanilang makakaya upang matiyak ang maayos na paglipat ng pambansa at lokal na pamumuno,” ayon kay Lorenzana sa isang post sa Facebook kagabi.

Gayundin, sinabi ng pinuno ng DND na ang 42,000-ektaryang Kibaritan Military Reservation ay may malaking potensyal bilang lugar ng pagsasanay para sa mga tropa.

“Bilang pangalawa sa pinakamalaking reserbasyon ng militar ng AFP (Armed Forces of the Philippines), ang Kibaritan Military Reservation ay may malaking potensyal para sa hinaharap na pagpupunyagi ng ating mga tropa. Kaya’t inaasahan nating ganap itong mabubuo bilang Combined Readiness Training Area (CRTA) ng AFP,” dagdag pa niya.

Ang pinakamalaking military reservation ay ang Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija na 73,000 ektarya ngunit ito ay nabawasan at naging 35,647 ektarya na lamang pagkatapos ng pitong presidential proclamations.

Camp Kibaritan sa Kalilangan, Bukidnon
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo