Gov’t: Tuloy ang vaxx rollout para sa age group na 5-11 sa kabila ng petisyon sa korte

0
152

Tuloy ang pilot vaccination sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa kabila ng petisyon na inihain ng dalawang magulang na itigil ang pagsasagawa nito, ayon sa Department of Health (DOH) at ng pandemic task force kahapon.

Sa magkasanib na pahayag, sinabi ng DOH at ng National Task Force laban sa coronavirus disease 2019 (NTF-Covid-19) na kinikilala nila ang karapatan ng mga magulang na magsampa ng kaso at hihintayin nila ang resulta ng legal na proseso na.

“However, as far as the national government is concerned, we remain steadfast in our commitment to protect all sectors of society, which include children and other vulnerable groups,” ayon sa salaysay.

Sina Dominic Almelor at Girlie Samonte, na may mga anak na nasa 5 hanggang 11 age group, ay naghain ng petisyon sa Regional Trial Court (RTC) sa Quezon City upang humingi ng temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction laban sa vaccination drive.

Sa kanilang petisyon, nababahala ang mga nagrereklamo sa probisyon ng DOH memorandum No. 2022-0041 na nagsasabing “the State may act as parents patriae and give the necessary consent” kung ang magulang o tagapag-alaga ay tumanggi na magbigay ng pahintulot sa kabila ng pagnanais at pagpayag ng bata na mabakunahan.

“The DOH Memorandum was issued in grave abuse of discretion and unconstitutional, given all the red flags against the administration of COVID-19 vaccines to children,” ayon sa  74-pahinang petisyon.

Ikinakatuwiran sa petisyon na hindi maaaring hilingin ng DOH sa ganoong awtoridad sa isang magulang o tagapag-alaga sa bisa lamang ng isang memorandum, lalo na kung ang mga magulang ay may mga alalahanin tungkol sa kaligtasan ng kanilang mga anak.

Samantala, binigyang-diin ng DOH at NTF na ang rollout para sa 5 hanggang 11 taong gulang ay resulta ng masusing pag-aaral ng mga health expert at naaprubahan na sa maraming bansa, kabilang ang United States.

“As we always emphasize, all Food and Drug Administration-approved Covid-19 vaccines have been proven to be safe and effective. Over 8.1 million children have already been vaccinated worldwide, with no reports of deaths and serious adverse events among those vaccinated,” ayon sa kanila.

Binigyang diin ng mga ahensya na walang naitalang masamang kaganapan sa mahigit siyam na milyong menor de edad na may edad 12 hanggang 17 taong gulang na nabakunahan ng hindi bababa sa isang dosis, mula nang magsimula ang kanilang pagbabakuna noong Oktubre 2021.

“Vaccinating them is crucial to achieve our goal of protecting all members of the Filipino family – children, adults, and senior citizens. This will enable us to continue the safe reopening of schools and other public spaces, as well as ensure the full economic recovery of our nation,” dadag pa nila.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo