DOH: Pfizer jabs para sa 5 to 11 age group dadalin na sa mga vaxx sites bago sumapit ang Pebrero 5

0
140

Dadalhin na ang mga bakuna gagamitin sa mga tinukoy na vaccination sites sa isasagawang pilot run ng pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 bukas, Mayo 5, 2022, ayon sa Department of Health (DOH) kanina.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, lahat ng natukoy na lugar ng pagbabakuna sa Metro Manila, Region 3 (Central Luzon), at Region 4-A (Calabarzon) ay magiging operational sa Mayo 7 at pagkatapos nito ay palalawakin ito sa iba pang mga rehiyon sa Pebrero 14.

Ang pilot run ay orihinal na itinakda noong Pebrero 4 ngunit na-reschedule pagkatapos mabigo ang isang third-party na kasosyo sa logistics na ipadala ang 780,000 Pfizer-BioNTech na dosis ng bakuna noong Pebrero 3.

“It has already left Brussels. It was in Hong Kong and it’s going to arrive tonight. Mayroon na rin kaming mga allocation per area depende kung ano ‘yong immediate na na-submit nilang registration,” ayon kay Cabotaje.

Isa pang batch ng 780,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines para sa aged 5 to 11 age group ang nakatakdang dumating sa Pebrero 9, ayon sa sa opisyal ng DOH.

Sinabi ni Cabotaje na nasa 160,000 bata na edad lima hanggang 11 taong gulang ang nagparehistro na gaganaping pilot run sa Metro Manila.

Kabilang sa mga unang site na napili sa rehiyon ay ang Philippine Heart Center, National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Fil Oil Gym sa San Juan City, Manila Zoo, at SM North Edsa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.