PBGEN Yarra umupo bilang bagong PRO Calabarzon Regional Director

0
253

Calamba City, Laguna. Umupo bilang bagong Regional Director ng Police Regional Office Calabarzon si Police Brig. General Antonio Candido Yarra sa turnover ceremonies  na ginanap sa Bigkis-Lahi Event Center sa Camp Vicente Lim sa lungsod na ito.

Pinamunuan ni Deputy Chief, PNP for Operations, PLTGEN Israel Ephraim T Dickson, ang seremonyas ng Office Symbol Property, Equipment Inventory Book, Unit Saber, Unit Color, at Property Book na inilipat ng hahalinhang regional director na si Police Brig. General Eliseo DC Cruz kay incoming director Yarra.

​Sa paghahatid ng kanyang mensahe, kinilala ni Yarra ang mga nagawa ng mga pamunuan na nauna sa kanya at ng mga naunang regional director ng PRO Calabarzon na nag ukol ng buong pagsisikap na maitatag ang kasalukuyang sistema ng PNP, “We don’t have to reinvent the wheel. What we should do is to improve on the actions they took to have better results,”ayon sa kanya.

Ipinahayag ni RD Yarra ang kanyang mga mithiin para sa mga tauhan ng PRO Calabarzon. “As we work together starting today, let us embody the ideals of the PNP. We will do that by developing Aptitude, by taking Action, by having the right Attitude, and by facing Accountability. Encourage the local government officials and the communities you serve to join us in our quest to having a safer Calabarzon through the 4A’s,” ayon sa kanyang mensahe.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hiniling niya sa buong Calabarzon police force na samahan siya sa paglalakbay na ginagabayan ng 4A’s habang binubuo ang kultura ng paglilingkod, karangalan, at katarungan. “Bilang mga propesyonal na opisyal ng pulisya, naniniwala ako na alam nating lahat kung ano ang dapat nating gawin. Dapat tayong magkaroon ng moral na lakas ng loob na manindigan para sa kung ano ang tama at itaguyod ang panuntunan ng batas,” ayon sa kanya.

Kabilang sa mga naunang tungkulin ni Yarra ang pagiging Chief Comptrollership noong 2014 saQuezon Police Provincial Director noong 2016 at Deputy Regional Director for Administration noong 2020. Pagkatapos ng kanyang panunungkulan sa PRO Calabarzon, siya ay itinalaga sa NCRPO bilang Deputy Regional Director for Operations and Administration. Itinalaga din siya bilang District Director ng Quezon City Police District noong Abril ng 2021.

​Si Yarra ay miyembro ng PMA Class “Sambisig” ng 1991. Pinalitan niya si Cruz na nakatakdang mamuno bilang Acting Deputy Commander ng Visayas Area Police Command.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.