Magbababoy at 3 pang junkie, inaresto ng Laguna PNP

0
312

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto sa mga serye ng drug buy-bust operations ng Laguna Police Office ang isang negosyante ng baboy at tatlo pang suspek na pusher sa Laguna.

Sa Sta. Cruz, Laguna, inaresto ng mga elemento ng police station dito sa pangangasiwa ni PLTCol Paterno L. Domondon, Jr. si Reynaldo Samontoza alyas Ninong, 42 anyos na residente ng Bgry, Duhat sa nabanggit na bayan. Nakuha sa suspek ang siyam na sachet ng pinagdududahang shabu na may street price na Php 8,500.

Dinakip din ng mga tauhan ng Calamba City Police Station sa pamumuno si PLTCol Arnel Pagulayan  sina Victoria Martinez, 59 anyos na isang operator ng babuyan at residente ng Brgy. Pansol, Calamba City. Nakuha sa kanya ng mga pulis ang 3 sachet ng hinihinalang shabu sa operasyon na isinagawa kahapon sa Dilag St. Purok 1, Brgy. Pansol, Calamba City Laguna.

Sa petsa ding nabanggit ay dinakip sa operasyon ng Biñan City Police Station sa pamumuno ni PLTCol Jerry B. Corpuz sina Luisito Vicuna, 36 anyos at naninirahan sa Brgy. Landayan sa San Pedro, Laguna. Nakumpiska sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu kasama ng mga drug paraphernalia.

Ang mga inarestong suspek ay kakasuhan ng  paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang ang mga edinsyang nakuha sa kanila ay sasailalim sa forensic examinations, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C Yarra.

“Drug abusers commit crimes to pay for their drugs and this inflicts damages to the society kaya po ang pagbebenta ng droga at ang paggamit nito ay kailangang pigilan upang masigurado ang kaligtasan ng mamamayan,” ayon sa mensahe ni Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.