SC: 219 ang hindi nakakakuha ng Bar exam dahil sa Covid at mga paglabag sa patakaran

0
297

Nagkaroon ng 96% na turnout ang makasaysayang 2020/21 Bar exams, ang unang digital at localized na pagsusulit sa isang pambihirang pangyayari dahil sa pandemya.

Sinabi ni Associate Justice Marvic Leonen, 2020/21 Bar chairperson, sa isang virtual press conference noong Biyernes na 11,378 examinees ang kumuha ng pagsusulit noong Biyernes ng umaga sa 31 testing sites na nakakalat sa 22 local government units sa buong bansa.

Natapos ang dalawang araw na Bar Examination kanina ngunit hindi lahat ng 11,790 na nagbayad ng application fee ay sumipot sa 31 local testing sites sa 22 local government units.

Sinabi ng Office of the Bar Chairperson kanina na hindi bababa sa 219 ang nagpositibo sa Covid-19 samantalang hindi pa matiyak kung ilan ang bilang ng mga examinees na nadiskuwalipika dahil sa paglabag sa mga patakaran at Honor Code.

Ang bilang ng mga positibong pagsusuri ay batay sa mga pagsusuri ng antigen test na pinangangasiwaan ng Suprema Court (SC) at ng mga examinees na nagsiwalat ng kanilang test results. 

Nakasaad sa Bar Bulletin No. 39 na nilagdaan ni Bar chairperson, SC Associate Justice Marvic Leonen na kabilang sa mga paglabag ay ang hindi pagsisiwalat ng mga nakaraang positibong resulta ng pagsusuri sa Covid-19, pagdadala ng mga mobile phone sa loob ng mga silid ng pagsusulit, at pag-access sa social media sa loob testing center premises sa loob ng isa at kalahating oras na pahinga sa tanghalian.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.