100% ng pulis ng San Pablo City PS sumailalim sa drug test

0
649

San Pablo City, Laguna. Sumailalim sa drug test kanina ang 100% o 154 uniformed police officers at 9 na non-uniformed police officers na miyembro ng San Pablo City Police Station (SPC-PS) sa lungsod na ito.

Ayon sa NAPOLCOM Memorandum Circular Number 2012-006, iniuutos ang libreng drug test ng 20% ng pulis sa bawat police station tuwing ika-apat na buwan ngunit sa ilalim ng pamumuno ni PLTCol Garry C. Alegre, lahat ng pulis sa nabanggit na police station ay sumasailalim sa quarterly drug test. Ang gatos ng 80% pang testing ay binabayaran ula sa pondo ng SPC-PS, ayon sa report.

“Mas mabuti na po na ma-test ang 100% ng ating mga pulis para mas makasiguro na lahat ay talagang malinis,” ayon kay Alegre.

Upang matiyak na hindi magkakaroon ng dayaan sa pagkuha ng urine specimen, iniutos ni Alegre na bantayan ng mga miyembro ng Crime Laboratory habang aktwal na kumukuha ng urine samples ang mga pulis, ayon sa report.

Nagbabala si Alegre na hindi siya magdadalawang-isip na sampahan ng kaso ang mga pulis na napatunayang sangkot sa iligal na aktibidad, lalo na ang iligal na droga at iligal na sugal.

Sinabi ni Alegre na ang 100% drug testing ay naglalayong alisin ang mga pulis na gumagamit ng droga sa hanay ng nabanggit na police station.

“Ang internal cleansing na ito ay hakbang upang mapanatiling malinis ang ating bahay,” ayon kay Alegre.

Lalabas ang resulta ng mga drug test pagkatapos ng isa o dalawang linggo. Ang sino mang pulis na mapapatunayang positibo sa drugs ay sasampahan ng kasong administratibo, ang pagtatapos ni Alegre.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.