Negosyo Center Luisiana nagsagawa ng validation ng PPG beneficiaries

0
164

Luisiana, Laguna. Nagsagawa ng validation process ang DTI-Laguna, sa tulong ng Negosyo Center Luisiana, sa mga potensyal na benepisyo ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program noong Pebrero 4.

Ang mga potensyal na benepisyaryo na ito ay kinilala ng Local Government Unit na bumaba sa kani-kanilang mga Barangay gaya ng unang napag-usapan noong sa pulong na ginanap noong Enero 21, 2022.

Ang layunin ng programa ay upang mabigyan ang mga karapat-dapat na negosyante na apektado ng mga insidente ng sunog at iba pang kalamidad, kabilang ang mga sakuna sa kalusugan, na muling simulan ang kanilang mga aktibidad sa ekonomiya. Layunin din nito na mabigyan ng pagkakataong pangkabuhayan ang mga natukoy na benepisyaryo sa mga lugar na itinuturing na prayoridad ng pamahalaan tulad ng KIA-WIA, NTF-ELCAC at ang nasa ilalim nitong Balik Probinsya Program.

Ang iba pang serbisyong inaalok sa DTI–PPG ay Enterprise Development Training, Business Counseling and Mentoring, Consumer Education and Advocacy at Provision of Livelihood Kits.

Kasali sa programa ang 13 barangay. Ang mga ito ay hinati sa 4 na grupo kung saan ay pinili ang 29 potensyal na benepisyaryo at kinapanayam ng personal samantalang ang isa ay sumailalim sa online interview hinggil sa kalagayan ng kanilang mga gawaing kabuhayan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.