TESDA magdadagdag ng 2 farming courses: Mga magsasaka hinihimok na mag-enroll

0
277

Hinihimok ni Secretary Isidro Lapeña ang mga magsasaka na gamitin ang libreng pagsasanay sa dalawang kursong idinagdag ngayong taon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iniayon para sa Rice Extension Services Program (RESP).

Sa panayam ng Philippine News Agency nitong Martes, sinabi ni Lapeña na anim na kurso ang iniaalok ng TESDA sa ilalim ng RESP at malapit na ring ialok ang Pest and Nutrient Management, gayundin ang Digital Agricultural Course

“Based on the baseline survey (TESDA) conducted in 2020, these are the areas that contribute to the farmers’ yield and income. However, their knowledge about pest and nutrient management and other innovative knowledge on agriculture is still low,” ayon sa kanya.

Iniulat ni Lapeña na inaprubahan ng TESDA ang 52,421 scholarship slots para sa mga kursong RESP noong nakaraang taon. Ang mga kursong ito ay Farmers Field School (FFS) on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification, at Farm Mechanization; Agro-Entrepreneurship NC (pambansang sertipiko) II, III, IV; Rice Machinery Operations NC II; Drying and Milling Plant Servicing NC III.

Ang pag-aalok ng mga karagdagang kurso, aniya, ay tugon ng TESDA sa baseline survey, at isa pang paraan upang matulungan ang mga magsasaka ng palay.

Para sa 2022, ang TESDA ay nagnanais na magbukas ng 50,000 scholarship slots para sa mga kurso sa ilalim ng RESP.

“I encourage all our rice farmers listed under the Registry System for Basic Sectors in Agriculture to avail of various free courses we are offering under the RESP. Not only these free training will upskill them, but more importantly, when they apply their acquired skills in their farming method, it will help increase their harvest and income,” dagdag pa ni Lapeña.

Sa ilalim ng RESP cluster, ang TESDA ay inatasan na “magturo ng mga kasanayan sa  rice crop production, modern rice farming techniques, seed production, farm mechanization, at knowledge/ technology transfer sa pamamagitan ng mga farm schools sa buong bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.