DOLE sa employees: Bigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na samahan ang mga anak sa vaxx centers

0
222

Iniutos ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon sa mga employer ng pribadong sektor na huwag markahang absent ang kanilang mga manggagawa na lumiban kapag sinamahan ang kanilang mga anak para sa ikatlong edisyon ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ massive coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination drive na tatakbo hanggang ngayong araw.

“Employers are highly encouraged to allow their employees to accompany their children for vaccination, without considering them as absent from their work, provided that they present proof of vaccination of their children,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa Labor Advisory No. 4.

Gayundin, hiniling ng DOLE sa mga establisyimento na payagan ang mga empleyado na gamitin ang kanilang leave credits para sa nabanggit na gawain.

“The concerned employees may likewise be allowed to utilize their available leave credits to cover their absence during the NVD (National Vaccination Days), subject to company policy or collective bargaining agreement granting the same, pursuant to Article 5 of the Labor Code of the Philippines, as amended, and in support of the government’s implementation of the ‘Bayanihan, Bakunahan’ Covid-19 Vaccination Days Part Ill, the following rules shall apply on February 10 to 11, 2022,” ayon pa rin sa advisory.

Noong Lunes, inilunsad ng gobyerno ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 5 hanggang 11 na may reformulated Pfizer Covid-19 jabs.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo