SAFE NLE 2022 inilunsad ng PRO Calabarzon

0
327

Calamba City, Laguna. Inilunsad sa PRO Calabarzon, Bigkis Lahi Event Event, Camp BGen Vicente P. Lim Calamba City, Laguna ang KASIMBAYANAN or Kawani, Simbahan, at Pamayanan Regional Launching for Secure, Accurate, Free, and Fair Elections (S.A.F.E.) 2022, kahapon.

Ang nabanggit na kaganapan ay dinaluhan ng mga tauhan ng Police Regional Office CALABARZON sa pangunguna ni Regional Director, PBGEN Antonio C Yarra, iba pang ahensya ng gobyerno sa Calabarzon, mga kinatawan mula sa religious sector, Commission on Elections (COMELEC), at mga kinatawan mula sa Advocacy Support Group.

Ang paglulunsad ng S.A.F.E. ay naglalayong pangalagaan at protektahan ang integridad ng darating na pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2022 sa pamamagitan ng mga panalanging interfaith at bigyang-daan ang aktibong partisipasyon ng publiko. Ito rin ay naghahangad na bigyang kapangyarihan ang pakikipagtulungan sa pagitan ng Kawani, Simbahan, at Pamayanan upang epektibong magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagpapanatili at pagtiyak ng ligtas at mapayapang halalan 2022.

Ipinahayag ni Commander Genito B. Basilio, Coast Guard District Southern Tagalog ang kanilang buong suporta sa lahat ng pagsisikap ng iba pang ahensya ng gobyerno na matiyak ang iisang layunin na magkaroon ng ligtas na halalan ngayong taon.

Ipinaabot din ni Deputy Commander, Southern Luzon Command, BGen Armand M. Arevalo ang kanyang pasasalamat sa PRO4A Command sa pamumuno ni PBGEN Yarra sa imbitasyon. Tiniyak niya sa bawat isa sa kanila ang walang patid na suporta at pakikipagtulungan sa PNP sa epektibong tumulong sa darating na halalan.

Ipinangako naman ni PBGen Remus Zacharias P Canieso, Deputy Commander, Area Police Command-Southern Tagalog ang kanilang pakiisa at pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang aniya ay makasaysayang kaganapan.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni COMELEC 4A Regional Executive Director Atty. Maria Juana S. Valeza ang lahat sa suportang ipinakita ng iba’t ibang sektor ng lipunang dumalo.

Samantala, kinilala naman ni PBGEN Yarra ang suporta ng mga panauhin mula sa religious sector, kinatawan mula sa Advocacy Support Group, at iba pang stakeholders na palagiang nakikipagtulungan sa PNP upang maisakatuparan ang malinis, tapat, at patas na halalan. “Nagkakaisa, nagsama-sama, ano man ang kulay ng ating tulungan, mananatili tayong magtutulong sa ating layunin”, dagdag pa ni Yarra.

Isinagawa ang pagsisindi ng SAFE candles at Pinning ng SAFE 2022 pin na sinundan ng Manifesto Signing na nilahukan ng mga dumalo sa PNP, PCG, AFP, COMELEC, Religious and Community Leaders at pagkatapos nito ay ang nagpakawala ng mga puting kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.