Pitong Most Wanted Persons, nasakote ng Laguna PNP

0
444

Sta. Cruz, Laguna. Dinakip ng Laguna Police Provincial Office ang pitong wanted kabilang ang Rank 8 Most Wanted Person (MWP) ng CALABARZON, Rank Number 5 at 10 MWPs ng Biñan, at Rank Number 7 MWP ng San Pedro City sa magkahiwalay na manhunt operations kahapon, Pebrero 14, 2022.

Arestado ang akusadong magnanakaw na si Leandro Velasco Cosico alyas Leandro Cosico Cosico, 63 taong gulang na residente ng Brgy. San Marcos, San Pablo City sa ilalim ng isang operasyon sa direktang pangangasiwa ni San Pablo City Police Office Chief PLTCOL Garry C. Alegre.

Sa Nagcarlan Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joemar S. Pomarejos at ng 403rd Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A, arestado sa Brgy. Sta Felomina, San Pablo City, Laguna si Sonny Ilustre, 39 taong gulang, magsasaka, residente ng Purok 3, Brgy. Palayan, Nagcarlan, Laguna, akusado sa dalawang kaso ng frustrated murder at Rank 8 sa MWP ng Calabarzon.

Sa tatlong magkakabukod na operasyon ng Biñan CPS sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Jerry L. Corpuz, arestado ang akusado na si Ma. Jhennylyn Hidalgo, 38 anyos, ng Brgy. Biñan, Biñan City, Laguna at Rank Number 5 MWP dahil sa kasong pag-isyu ng talbog na tseke (BP 22).  Arestado din ang Rank Number 10 MWP sa kasong Child Abuse na kinilalang si Gladys Aguilar, 28 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Santo Tomas, Lungsod ng Biñan.Arestado din ang Biñan CPS sa isa pang operasyon sa San Jose Village II, Brgy. Gayundin ay dinakip si Jayna Ramchandani alyas Jane, 60 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Biñan, Biñan City, Laguna sa kasong pag-iisyu ng talbog na tseke (BP 22).

Sa San Pedro CPS sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Socrates S. Jaca, inaresto ang Number 7 MWP sa kasong Frustrated Murder na kinilalang si Romeo Del Monte Saballe, 44 taong gulang, binata, construction worker na residente ng Brgy. San Vicente, San Pedro City, Laguna. 

Gayundin, sa Cabuyao CPS sa ilalim naman ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Brigido T. Salisi, arestado sa isang operasyon sa Brgy. Sala sa Cabuyao City ang akusado na si Ralph Berlin Riego De Dios, 34 anyos, binata, call center agent, at residente ng Brgy. Butong, Cabuyao City, Laguna dahil sa salang paglabag sa Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 (RA 9262.

Ang pitong nabanggit na akusado ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng mga korte kung saan sila ay nakahabla.

“Pinaparangalan ko ang mga kapulisan ng Laguna sa kanilang pagsisikap upang tuluyan ng managot ang mga mga nagkasala sa batas, mabigyang hustisya ang mga naging biktima nila, at maiwasan na madagdagan ang anumang krimen na nagawa  nila,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.