Binabantayan ng Israel ang PH sa ulat ng PNP hinggil sa diumano ay pakana ng Hamas

0
189

Sinusubaybayan ng Israel Embassy sa Maynila ang developments ng intelligence report hinggil sa Palestinian militant group na diumano ay nagpaplano ng pagkuha ng mga tao na aatake sa mga Israeli nationals na nasa Pilipinas.

“We appreciate the efficient response of the Philippine police and their efforts to make sure that the Israelis are well-protected. We are closely monitoring this,” ayon sa embahada kanina.

Ang pahayag ay ipinalabas kasunod ng isang ulat na tinanggihan ng Hamas ang natiktikang pakana.

Ayon sa isang source mula sa Hamas, sinabi ng Shehab News Agency na nakabase sa Gaza na pinabulaanan ng kilusan ang paratang, at binanggit ang “deklaradong policy na ang salungatan ay sa loob lamang mga teritoryo ng Palestine na sinakop ng Israel, at hindi ililipat ito sa alinmang Arab country o ibang bansa.”

Noong Martes, sinabi ng Philippine National Police Intelligence Group na natuklasan nito ang isang plano ng pagre-recruit ng mga Pilipino na “gagamitin upang patayin ang mga Hudyo na nasa Pilipinas, magsagawa ng mga rally sa embahada ng Israel at magkalat (ng) video propaganda laban sa Israel.”

Ang impormasyon ay iniulat na nagmula sa isang lokal na contact na kinilalang si Fares Al Shikli, na inakusahan ng PNP na siyang pinuno ng Hamas Foreign Liaison Section.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.