Covid-19 VaxCertPH dinagdagan ng bagong security feature

0
427

Dadagdagan ng security feature ang digital Covid-19 certificate (VacCertPH) ng Pilipinas, ayon sa Department of Information and Technology (DICT) kahapon.

Sinabi ni DICT acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na mahalagang mag update ng mga security features dahil mas maraming bansa na ang tumatanggap ng VaxCertPH.

Ang pinakamahalagang update ay ang pagsasama ng impormasyon ng booster shots sa certificate.

“Kapag kumuha kayo ng mga VaxCert, makikita niyo na rin ang pangatlong jab ninyo sa vaccine certificate,” ayon sa kanya.

Nauna dito, hinimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng mga indibidwal na may mga vaccine certificates na kumuha ng mga updated na bersyon nito sa www.vaxcert.doh.gov.ph.

“Hinihingi pa rin iyong datos ng pangalan ninyo at saka iyong mga petsa ng inyong pagbakuna at lalabas na rin iyong pangatlong booster shot,” ayon kay Caintic.

Maaari ding makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs) kung nais nilang itama ang kanilang impormasyon sa VaxCertPH, ayon sa kanya.

“Ang maganda din diyan, kung halimbawa may problema sa inyong datos, agad-agad na rin nilang maiwawasto (the good thing about that, is for example, there’s a problem in your data, it could be revised immediately),” dagdag pa niya.

Maaaring gamitin ang digital vaccine certificate para sa domestic at international na paglalakbay, kasama ang mga alituntunin ng World Health Organization (WHO) sa digital documentation ng Covid-19 certificates.

Sinabi ni Caintic na ang mga transaksyon para sa pagkuha ng updated na VaxCertPH ay sandali lang.

“In a couple of minutes or less than a minute or a minute pa nga, kaya nilang i-click iyong generate VaxCert at lalabas naman din iyong panibago nilang VaxCert. Madali lang makakuha ulit iyon, lalabas lang iyong bago nilang QR code,” ayon sa paliwanag niya.

Sa ngayon, may humigit-kumulang 41 na bansa na ang tumatanggap ng VaxCertPH kabilang ang Armenia, Australia, Austria, Bahrain, Belgium, Canada, Colombia, Czech Republic, France, Georgia, Georgia, Hong Kong, India, Iraq, Italy, Japan, Kazakhstan, Kuwait, Oman, Qatar, Samoa, Slovenia, Sri Lanka , Switzerland, Thailand, The Netherlands, Tunisia, Turkey, UAE, UK, USA, Vietnam, Brazil, Israel, Timor Leste, Republic of Korea, Malaysia, at Republic of Ireland.

Dagdag pa ni Caintic, tumatanggap din ng VaxCertPH ang ilang establisyimento sa bansa.

Ipinapayo ng Department of Health (DOH) sa lahat ng kumuha mga updated na vaccination certificate sa www.vaxcert.doh.gov.ph

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.