San Pablo City, Laguna. Bumisita sa lungsod na ito si Senator Manny Pacquiao, ang standard bearer ng partidong Promdi.
“Korapsyon ang siyang dahilan kaya ako tumatakbo, yan ang misyon ko, ang ipagtanggol ang maliliit, ang mahihirap na tao mula sa korapsyon,” ayon sa kanya sa isang campaign rally na ginanap sa Sampalok Lake boardwalk sa nabanggit na lungsod.
Sakaling mahalal na pangulo, nangako si Pacquiao na iparerebisa niya ang mga kontrata ng gobyerno sa private sectors upang mabantayan ang katiwalian.
Kasama ni Pacquiao si PJ Estrellado na kandidatong Board Member sa Laguna 3rd District sa ilalim ng partidong Promdi. Si Estrellado ay naging pangulo ng Junior Chamber of the Philippines (JCI).
“Narating po natin ang Cagayan, Isabela, Bataan, Bohol, Basilan, Zamboanga, Tawi-Tawi upang maglingkod at maghatid ng tuloy tuloy na solusyon sa mga isyung pambayan sa ilalim ng mga programa ng JCI. Ngayon po ay nais kong alayan ng aking paglilingkod ang ikatlong distrito ng Laguna, kung inyo pong mamarapatin. Ito po ang pagkakataon upang ang isang PJ Estrellado mula sa pribadong sektor ay maging isang lingkod-bayan,” ayon naman sa mensahe ni Estrellado.
Bumisita din si Pacquiao sa tanggapan ni San Pablo City Mayor Amben Amante sa kapitolyo ng nabanggit na lungsod kung saan ay kumuha siya ng permit upang makapagsagawa ng kampanya, sang ayon sa panuntunan ng Comelec.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.