Php 85K na shabu, nakumpiska ng Laguna PNP sa isang trike driver

0
392

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto kahapon ang isang tricycle driver na hinihinalang drug pusher sa ilalim ng drug buy-bust operations na isinagawa ng Sta. Cruz Municipal Station (MPS) sa pangangasiwa ni PLTCol Paterno L. Domondon.

Si Mark Joven Olvido, 32 anyos, tricycle driver at residente ng Brgy. Duhat, sa bayang ito, ay nahulihan ng limang sachet ng pinag susupetsahang shabu na tumitimbang ng 12.5 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php 85,000..

Sa isa pang bukod na drug buy-bust operations, nadakip naman ng mga tauhan ni PLTCol Arnel L. Pagulayan ng Calamba MPS si Armando Aragon alyas Mokong, 24 anyos at Conrado Sabghel, 51 anyos na construction worker na pawang mga naninirahan sa Brgy. 2, Calamba City.

Nakumpiska sa kanila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng Php 13, 600. 

Ang mga arestadong suspek ay kakasuhan ng paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 samantalang dadalin sa Crime Laboratory Office ang mga ebidensya na nakuha sa kanila upang isalalim sa forensic examinations, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

“We remain steadfast in our campaign against illegal drugs. I highly encourage our kababayan to actively participate in this endeavor to save their families from the crimes that could be committed by these drug personalities,” ayon sa tagubilin ni Campo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.