Tumanggap ng mga 455,130 dosis ng bakunang Pfizer ang Pilipinas noong Huwebes ng gabi, Pebrero 17, na ilalaan sa pagbabakuna ng mga indibidwal na 12 anyos hanggang pataas.
Ang mga COVID-19 jab ay binili ng gobyerno na may suporta sa pagpopondo mula sa World Bank.
Sa isang panayam kasunod ng pagdating ng mga bakuna, sinabi ng National Task Force against COVID-19 medical consultant na si Dr. Ma. Paz Corrales na ang pinakahuling shipment na ito ay nagdala ng supply ng bakuna sa bansa sa 223,684,950 doses.
Ayon kay Corrales, may kabuuang 2,666,272 vaccine doses o 53.5% ng mahigit 5 milyong COVID-19 jabs na na-target na ibigay sa ikatlong round na National Vaccination Days ang naibakuna mula noong Pebrero 10.
“This is the time to tell the parents na pabakunahan ang ating mga anak…para maging possible na ‘yung face-to-face school opening also for our economy and back to the new normal,” ayon sa kanya.
Sa kasalukuyan, ginagawa ng gobyerno ang ‘new normal’ roadmap na inaasahang matatapos sa unang linggo ng Marso at ihaharap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.