Malawakang anti-illegal drugs ops ng Laguna PNP-PDEA: 9 na suspek arestado

0
334

Sta. Cruz, Laguna. Dinakip ng Laguna PNP kahapon ang siyam na hinihinalang drug pusher sa magkakahiwalay na malawakang drug buy-bust operations sa lalawigan ng Laguna.

Kabilang sa mga inaresto ang isang suspek na kinilalang si Antonio Parica alyas Doc, 32 anyos na resident of Brgy. Duhat, Sta Cruz, Laguna. Nakuha sa kanya ng ng mga tauhan ng Sta Cruz Municipal Police Station (MPS) and PDEA Laguna ang anim na sachet ng hinihinalang shabu. 

Hinuli din mga miyembro ng PSOG kasama ang Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Pablo City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A si Michael John Mirasol, 24 anyos na resident of Brgy. San Ignacio, San Pablo City. Nakumpiska sa kanya ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang bulaklak ng Marijuana.

Sa Pila, Laguna, nasakote ng mga elemento ng PILA Municipal Police Station sa Brgy. Linga si Alfie Sababan, 32 anyos na driver at naninirahan sa Brgy. Labuin. Nahalughog sa kanya ang dalawang sachet ng pinag susupetsahang shabu.

Dinakip din ng mga tauhan ng Calamba City Police Station (CPS) at grupo ng PDEA Laguna si Roy Manalo, 44 anyos na construction worker at resident ng Brgy. 2, sa nabanggit na lungsod. Nakumpiska sa kanya ang 2 sachet na naglalaman ng 2 gramo ng hinihinalang shabu.

Kasabay ng mga ito ay inaresto din ng Cabuyao CPS sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City ang isang menor de edad na suspek na nakuhanan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

“Katuwang ang LGUs, PDEA at komunidad ay patuloy po naming isasagawa ang mga operasyong ito upang masugpo ang iligal na droga sa ating probinsiya, dahil ang laban kontra iligal na droga ay laban nating lahat,” ayon kay Laguna PPO Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.