PBGEN Yarra bumisita sa Quezon PNP: 6 na pulis ginawaran ng Medalya ng Papuri

0
305

Lucena City, Quezon.  Ginawaran ng Medalya ng Papuri kahapon ni PRO4 Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra sa kanyang pagbisita sa Quezon Police Provincial Office, Camp Guillermo Nakar sa lungsod na ito sina PLTCOL Willam G. Angway, Jr., PLT Anthony G. Miano, PLT Luis Q. De Lunar, PSsg Leonardo V. Sanggalang, PCpl Jeffrey H. Lopez at PCpl Norwin D. Pesalbon.

Si Yarra ang bagong talagang Regional Director ng PRO CALABARZON na umupo sa puwesto noong Pebrero 8.

Bahagi ng pagbisita ni RD Yarra ang palakasin ang moral ng bawat pulis sa pamamagitan ng pagkilala sa kanilang dedikasyon at sakripisyo. Ang mga ginawaran ng Medalya ng Papuri ay mga karapat-dapat na tauhan dahil sa kanilang operational at administrative accomplishments na nakatulong ng malaki sa kapayapaan at kaayusan ng Quezon Province.

Sa pagtugon sa mga kalalakihan at kababaihan ng Quezon PPO, inilatag ni RD Yarra ang kanyang mga alituntunin at patakaran at iginiit ang kanyang 4A-Ideals: Aptitude, Attitude, Action, and Accountability. Sa kanyang pamamaalam, pinuri niya ang walang katapusang suporta at sakripisyo ng mga tauhan ng Quezon PPO sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang mga pulis.

Sa kanya ring pgbisita sa Lucena City Police Station bilang bahagi ng kanyang Command Visit sa Quezon PPO, pinupuri ni RD Yarra ang Lucena CPS na PLTCOL Reynaldo P Reyes bilang hepe nito ang pagpapakita ng disente at sistematikong kapaligiran sa pagtatrabaho. Aniya, ang pagkakaroon ng isang presentable na opisina ay isang magandang indikasyon ng mahusay na pamamahala at mas mahusay na pagganap ng mga gawain.

Bumisita din si Yarra sa tanggapan ni Quezon Governor Danilo E. Suarez.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.