Magbabahagi ang PNP sa NBI ng mga nakalap na impormasyon hinggil sa mga nawawalang magsasabong

0
440

Ibabahagi ng Philippine National Police (PNP) ang mga impormasyon na kanilang nakalap sa National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa imbestigasyon sa pagkawala ng ilang sabungero kahapon.

“We already have the accounts of witnesses and other pieces of evidence which can aid in the probe. If they request, then we will gladly share notes. We see this as a welcome development to work hand-in-hand in resolving these cases,” ayon kay Chief  PNP General Dionardo Carlos sa pagbanggit ng pagsulong sa inisyal na imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sinabi niya na ang PNP ay masigasig sa paghuhukay ng kaso at idinagdag niya na ang mahahalagang impormasyon ay hindi pa nakukuha mula sa cockpit management kung saan huling nakita ang mga nawawalang tao.

“Nevertheless, the PNP assures the worried families that it is exhausting all efforts to locate the missing persons and arrest those who are behind this. The PNP will also cooperate in the senate probe that aims to look into the matter. We will be transparent with the case update and all evidence on hand,” dagdag niya.

Nauna rito, sinabi ni Carlos na partikular na iniimbestigahan ng CIDG ang kaso ng 10 lalaki na nawala ilang sandali matapos makita sa magkahiwalay na lugar ng sabong sa Laguna at Maynila noong Enero 13.

Makikita sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera mula sa arena na ang sasakyang ginamit ng mga biktima ay nakitang palabas ng coliseum sa Sta. Cruz, Laguna ngunit hindi malinaw kung nasa loob ng sasakyan ang mga biktima.

Sa parehong araw, isa pang anim na lalaki ang nawawala matapos sumali sa isang paligsahan sa sabong sa Maynila.

Nauna rito, idinagdag sa listahan ng mga nawawalang magsasabong ang 10 pang lalaki mula sa Bulacan na dumalo din sa isang sabong. Ang mga lalaking ito, ayon sa kanilang mga kamag-anak, ay mahigit ng walong buwan na nawawala.

Noong nakaraang Pebrero 17, inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na tingnan “at kung may ebidensya ay magsampa na ng mga kaukulang kaso laban sa lahat ng taong sangkot at mapapatunayan responsable.”

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.