Plano ng SRA na umangkat ng asukal, nabinbin dahil sa 2 TRO

0
151

Nakabibin ang plano ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng refined sugar dahil sa dalawang temporary restraining orders (TROs) na nakuha ng mga asosasyon ng mga sugar farmers sa Visayas.

Sinabi ni SRA Administrator Hermenegildo Serafica sa isang virtual briefer noong Martes na ang pag-import ang pinakamahusay na paraan upang harapin ang mga epekto ng Bagyong Odette, na sumira sa halos lahat ng bahagi ng Visayas at Mindanao noong Disyembre 2021.

Ang Sugar Order No. 3 na dapat sana ay ipatutupad noong Marso ay magtitiyak na ang industriya ng inumin at confectionary ay hindi magkukulang ng suplay sa paggawa ng kanilang mga produkto, dagdag ni Serafica.

Bibili ang mga industrial user ng humigit kumulang na 200,000 metric tons (MT) na i-import — 100,000 MT bottler’s grade refined sugar na ginagamit ng mga beverage company at ang 100,000 MT standard refined sugar ay para sa mga food processor, gaya ng mga confectionary.

“As an agency, we have to look at the bigger picture to balance the domestic supply and make sure that we have adequate supply to ensure food security and thereby, also stabilizing prices,” ayon kay Serafica 

Sinabi niya na sinira ng bagyong “Odette” ang mga refinery at kailangang kumunihin at muling itayo ang bodega ngunit dapat habulin ang kinakailangang produksyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamimili.

“Mga 20 hanggang 21 araw ng pagproseso ang nawala,” ayon sa kanya.

Sinabi rin ni DA spokesperson Noel Reyes sa briefer na ang pag-import ng asukal para sa mga industrial users ay nangangahulugang hindi nila ibababa ang domestic supply para sa maliliit na consumer.

Ang Negros Occidental Federation of Farmers Associations ay nakakuha ng 20-araw na TRO sa Himamaylan City noong Pebrero 17 habang ang Rural Sugar Planters Association Inc. ay nakakuha sa Sagay City, Negros Occidental noong Pebrero 14.

Inakusahan si Serafica ng United Sugar Producers Federation, kung saan miyembro ang Rural Sugar Planters Association ng pagtataksil sa industriya ng asukal at paggamit ng Bagyong Odette bilang dahilan para sa pag-angkat.

Si Senador Miguel Zubiri, na kabilang sa isang angkan ng mga producer ng asukal sa Bukidnon, ay naghain ng Resolution No. 995 noong Pebrero 14 para sa Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform na imbestigahan ang plano ng SRA.

Nagpakita ang data ng SRA na ang Pre-Final Crop Estimate para sa Crop Year 2021-2022 na bumaba ang raw sugar production estimate sa 2.072 million MT, mula sa 2.099 million MT, samantalang binago ng sugar refineries association ang refined sugar production forecast nito sa 16.748 million LKg/TC (bags per ton cane), bumaba mula sa inisyal na kalkulasyon ng produksyon na 17.572 milyong LKg/TC bago naganap ang bagyong Odette.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.