2 Most Wanted rapist, nasakote ng Laguna PNP

0
221

Sta. Cruz, Laguna.  Nahuli ng Laguna PNP sa dalawang magkahiwalay na manhunt operations ang dalawang most wanted na rapist sa lalawigan ng Laguna.

Ang mga akusadong rapist ay kinilalang sina Jerry Gregorio, 66 anyos na vendor at residente ng Brgy. Bagong Pook, Pila, Laguna at isang nagngangalang Jhay Arandia, 18 anyos na residente ng Brgy. Talaga, Rizal, Laguna.

Si Gregorio ay dinakip ng mga tauhan ng Pila Municipal Station sa pangunguna ni PMAJ MAY Katherine E. Ramos samantalang si Arandia ay inaresto ng mga elemento ng Rizal Municipal Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PCAPT Paul Raymundo R. Ayon.

Ang mga dinakip ay kasalukuyang nakapiit sa mga nakakasakop ng municipal station habang inaabisuhan ang mga korte sa pagkakadakip sa kanila, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

Nakatakda silang humarap sa kasong rape na isinampa laban sa kanila.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.