Pol ad ni Robredo na nakasuot ng  police uniform ang artistang si Marc Manicad, pinatatanggal ng PNP

0
702

Binatikos ng Philippine National Police (PNP) kahapon ang isang post sa social media na nagpapakita ng isang aktor na nakasuot ng uniporme ng pulis habang ini-endorso ang isang kandidato para sa halalan sa Mayo 9.

Sa isang pahayag, sinabi ni Brig. Gen. Roderick Alba, PNP public information office chief, na hiniling nila ang agarang pagtanggal ng nabanggit na larawan sa social media.

“We demand the owner of the concerned Facebook page to immediately take down this picture and issue a public apology without prejudice to any legal action that the PNP may take,” ayon kay Alba, na tumukoy sa isang post sa Facebook ng aktor na si Marc Manicad na naka-uniporme ng pulis habang lantarang ini-endorso ang presidential bid ni Vice President Leni Robredo

Sinabi ni Alba na ang PNP ay nananatiling tapat sa kanilang pagiging non-partisan na paninindigan at hiniling niya sa  mga pulis na iwasang makisali sa mga partisan political na gawain.

Binalaan din niya ang mga nagbabalak na sirain ang reputasyon ng kapulisan sa kasagsagan ng panahon ng eleksyon.

“Rest assured that this incident won’t pass without holding those responsible accountable for their action,” ang kanyang pagbibigay diin.

Nauna rito, sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang lahat ng pulis na nasa aktibong tungkulin ay dapat manatiling apolitical kahit na sa kanilang mga post sa social media at dapat nilang iwasan ang pangangampanya para o laban sa sinumang kandidato.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.