Child rapist na No. 5 Most Wanted sa Calabarzon, nasakote ng Laguna PNP

0
213

Sta. Cruz, Laguna. Nadakip sa Pasay City ang isang child rapist na Number 5 Top Most Wanted sa Calabarzon sa isang joint manhunt operations na isinagawa ng Nagcarlan Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pangangasiwa ni Acting Chief of Police Police Major Joemar S Pomarejos at ng Pasay City Police Station. 

Ang akusado ay kinilalang si Ronnie Bueta na residente ng Brgy. Talangan, Nagcarlan, Laguna at nagtatago sa Pasay City kung saan siya ay nadakip. 

Si Bueta ay dinala at ikinulong sa Nagcarlan MPS habang inaabisuhan ang Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 7, Family Court, San Pablo City, Laguna sa pagkakadakip sa kanya, ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay  Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

“We give the assurance that we will arrest every perpetrator, most especially those who commit crimes against the most vulnerable members of our society – the women and children,” ayon kay Campo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.