Soc med accounts sa likod ng fake ‘sabungero’ photos nakilala na

0
567

Natunton na ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) kahapon ang mga may-ari ng limang Facebook account na nag-post ng mga mapanlinlang na larawan tungkol sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.

Batay sa ulat na isinumite ni Col. Froiland Lopez, hepe ng Cyber ​​Patrollers and Investigation Unit, ang mga post ay ginawa nina Shierna Rose Amparado, Candice Delatorre, Anthony Dela Pena, Vincelou Mendigo Oludnacatab (Lou), at Grace Gucman Panes.

Ang mga bangkay umano ng 31 nawawala ay natagpuan sa Tanay, Rizal.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP-ACG Chief Brig. Gen. Robert Rodriguez na ang mga larawang kumakalat sa social media ay kuha mula sa isang insidente ng pananambang sa Barangay Kalumanis, Guidulungan, Maguindanao, kung saan siyam ang namatay noong Pebrero 12.

“As the ACG continues to intensify its campaign against cybercriminals, I would like to once again remind the public to use social media responsibly and to avoid the spreading of fake news as disinformation only adds up to the emotional struggle and anguish of the family of the missing persons. Our cyber patrollers will continue to monitor daily and the authors in the spreading of fake news will be investigated,”ayon kay Rodriguez.

Hiniling ni Interior Secretary Eduardo Año sa mga taong may impormasyon sa 31 nawawalang mahilig sa sabong na makipagtulungan sa mga awtoridad.

“Sa tingin ko, maso-solve na rin ito sa lalong madaling panahon. Ang hinihintay lang natin dito lumabas pa ‘yung witnesses. Sobra na ito dahil 31 buhay ito at 31 pamilya ang naapektuhan at naghahanap ngayon at hindi makatulog,’’ ayon kay Año sa isang panayam sa radyo.

Nauna dito, sinabi ng PNP na ang mga pekeng post ay mistulang pagtatangka na idiskaril ang imbestigasyon.

Nagbukas na rin ng inquiry ang Senado habang nanawagan ang ilang mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation na suspindihin ang lisensya ng mga electronic sabong operator habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.