CALAX PR campaign ng MPT South, ginawaran ng Silver Anvil Award

0
242

Nakakuha ng isa pang Anvil Award para sa ikatlong magkakasunod na taon ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isang subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investment Corporation (MPIC).

Iginawad ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) ang Silver Anvil para sa MPT South’s Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Silang East Interchange Public Relations (PR) Campaign sa ilalim ng kategorya ng Public Relations Program Directed at Specic Stakeholders sa ginanap na 57th Anvil Awards noong Huwebes. gabi, Pebrero 24.

Ang Anvil Awards ay simbolo ng kahusayan sa Public Relations at itinatanghal taun-taon ng PRSP, ang nangungunang organisasyon ng PR professionals sa bansa. Ngayong taon, humigit-kumulang 540 entries mula sa iba’t ibang korporasyon ang isinumite para sa Anvil Awards.

“We are extremely honored to win an Anvil and be acknowledged by the Public Relations Society of the Philippines for our PR Campaign for CALAX Silang East Interchange Opening.Through collaborative engagement of MPT South, the LGU (Local Government Units) and the community, we are not only able to promote our expressway, but also tourism and economic activities in Region IV-A, and we shall continue to keep doing so,” ayon kay Arlette Capistrano, AVP for Communication and Stakeholder Management MPT South.

Kinilala ng parangal ang PR plan ng kumpanya ng toll road bilang isang maliwanag na tool sa PR. Hindi lamang nito pinalakas ang paggamit ng mga road infrastructure kundi pinaunlad din nito ang mga interes sa turismo at negosyo sa lugar na naging accessible sa pamamagitan ng Silang East Interchange.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.