Regional Special Operations Task Group para sa NLE 2022, binuhay ng PRO CALABARZON

0
462

Calamba City, Laguna. Pinangunahan ni PBGEN Antonio C. Yarra kahapon sa PRO4A Multi-Purpose Center, Camp BGen Vicente P Lim sa lungsod na ito, ang kumperensya sa pag-activate ng Regional Task Group para sa NLE 2022 na kanyang pamumunuan ng kanyang bilang Commander at ng Regional Special Operations Task Group (RSOTG) na pamumunuan naman ng Deputy Regional Director for Operations. 

Ang RTG NLE 2022 ay naglalayon na magbigay ng mga estratehikong patnubay para sa PNP upang matiyak na ligtas, tumpak, malaya, at patas ang 2022 Pambansa at Lokal na Halalan sa gitna ng pandemyang COVID-19 habang nagpapairal ng mga protocol at pamantayan sa ilalim ng bagong normal.

Ang PRO CALABARZON ay magsasagawa ng pagkilos upang matiyaka ang seguridad at kaligtasan para sa NLE 2022 sa pakikipagtulungan sa COMELEC, AFP, PCG, at iba pang deputized na ahensya ng gobyerno, organisasyon, at stakeholder.

Hinihimok ni RD Yarra bilang Task Group Commander ang lahat na maging mas mapagbantay sa panahon ng kampanya. Inulit din niya ang patnubay ni Chief PNP Dionardo Carlos na mapanatili ang isang non-partisan na paninindigan at hindi kailanman mag-eendorso ng anumang partidong pulitikal o kandidato na lalaban para sa anumang elective na posisyon.

Ang RSOTG ay dapat agad na umiral depende sa bigat ng isang nakababahalang insidente kaugnay ng darating na halalan na magaganap sa isang partikular na lugar para sa nakatutok na pagsisikap at pagbuo ng desisyon. Ito ay gagana sa ilalim ng pangangasiwa ng RTG.

Dapat gamitin ng PRO CALABARZON ang konsepto ng 5Ps – Predict, Prevent, Prepare, Perform, and Post-Action and Assessment ng crisis management sa pagpapatupad ng security and safety coverage para sa NLE 2022 na naka-angkla sa konsepto ng Inter-Agency Coordination para pasiglahin ang interoperability kasama ang iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno, LGU, NGO, pribadong organisasyon, at iba pang mga volunteer groups.

“Lahat tayo ay mga mahalagang papel  na ginagampanan. Gawin natin ang nararapat at tama upang maging maayos at ligtas ang lahat sa darating na eleksyon. Let us promote a free, credible, and peaceful 2022 elections!”, ayon sa mensahe ni Yarra.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.