Riding in tandem na agaw cellphone, natiklo ng Laguna PNP motorcycle cops

0
351

Cabuyao City, Laguna.  Huli sa aktong nang aagaw ng cellphone ang dalawang suspek na magka angkas sa motor sa lungsod na ito.

Kinilala ni PCOL Rogarth Campo ang mga nadakip na mang aagaw ng cellphone na sina  Raul Almarinez  Gonzaga, 32 anyos na residente ng Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna at Gerald Cerdeña Valdez, 39 anyos na residente Brgy. San Antonio, sa nabanggit ding lungsod.

Ayon sa report, isang dalaga ang kinaladkad ng suspek at inagaw ang cellphone nito na nagkakahalaga ng Php 16,000 bandang 8:15 ng umaga noong Marso 2. Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga tauhan ng Cabuyao City Police Station na sina PCpl Ronn Michael D Juanites, PCpl Marc Arman C Perino at Pat Freddie Rick P Dupo at agad na inaresto ang dalawang suspek. 

Nauna dito, sa pareho ding araw, bandang 7:45 ng umaga, isang lalaki ang nagsumbong na inagawan din ng Vivo cellphone na nagkakahalaga ng Php 25,000 ng dalawang suspek na nakilala dahil sa itim at berdeng Yamaha Mio motorcycle nila.

Nabawi sa mga dinakip ang dalawang cellphone at kinumpiska ang kanilang motorsiklo at kakasuhan sila ng robbery, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director, PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director, PBGEN Antonio C. Yarra.

“Saludo ako sa mga motorcycle cops na ito na buong pusong ginagampanan ang kanilang trabaho sa lansangan na siyang nagresulta sa pagkaka aresto ng riding in tandem na kasalukuyang gumagawa ng kasamaan sa lansangan. Asahan po ninyo na ang Laguna PNP ay laging handa upang proteksyunan ang ating mga kababayan,” ayon kay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.