Naglaan ang DA ng P94-M upang mapalakas ang produksyon ng sibuyas

0
275

Maglalabas ng karagdagang Php94.6M ang Department of Agriculture (DA), sa ilalim ng High-Value Crops Development Program nito ngayong taon upang higit pang masuportahan ang produksyon ng sibuyas.

Ang pondo ay pangunahing gagamitin sa pagkuha ng mga materyales sa pagtatanim ng pula at dilaw na mga varieties ng sibuyas, gayundin ng mga organic at inorganic fertilizers, na ipapamahagi sa mga pangunahing lalawigan na nagtatanim ng sibuyas, ayon sa isang pahayag ng DA kahapon.

Ang nabanggit na hakbang ay resulta ng kamakailang konsultasyon na pinamumunuan ni Agriculture Secretary William Dar sa mga lider-magsasaka ng sibuyas mula sa Nueva Ecija at Mindoro.

Kabilang sa mga pangunahing alalahanin ng mga lider-magsasaka ay ang pagbaba ng presyo ng mga lokal na sibuyas dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga inangkat na mga sibuyas na mas mura ang benta.

Ang presyo ng mga sibuyas sa farmgate ay bumaba ng PHP6 kada kilo noong 2021.

Humingi rin sila ng tulong sa DA sa pagmemerkado ng kanilang mga ani at pagtatatag ng mga post-harvest at storage facility, kung saan pinangako ni Dar na i-regulate ang pagpasok ng mga import at ang pagtatatag ng mas maraming cold storage facility sa mga tamang lugar upang pahabain ang shelf life ng lokal na ani.

“We have been addressing the issue of space and storage since 2018 to allow our farmers to temporarily tuck away their surplus. In fact, we have finished the construction of three warehouses since then, valued at PHP20 million each, thus totaling PHP60 million,” ayon kay Dar.

Sinabi niya na ang Agribusiness and Marketing Assistance Service ng DA ay patuloy na tutulong at mag-uugnay sa mga magsasaka ng direkta sa mga institutional buyer at market at makipag-ayos sa Food Terminal Incorporated (FTI) para sa isang posibleng kasunduan sa marketing at storage, na magbibigay-daan sa mga grupo ng mga magsasaka ng sibuyas na gamitin ang available na espasyo sa FTI Taguig bilang drop-off point habang naghihintay ng mga mamimili.

Upang mapagaan ang mga aktibidad sa produksyon at post-production, PHP31.97 milyon ang ilalaan para sa mekanisasyon ng industriya ngayong taon. Sasakupin ng pondo ang pagkuha ng mga hauling truck, tractor, hand tractors, seeders, at multicultivator, bukod sa iba pa.

Ang isa pang pondo na nagkakahalaga ng PHP3.7M ay mapupunta sa pagtatayo ng mga sistema ng patubig sa iba’t ibang lugar na nagtatanim ng sibuyas.

Bumaba ng 11,000 metriko tonelada (MT) ang produksyon ng sibuyas noong nakaraang taon, mula sa antas nito noong 2020, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Para sa ikatlong quarter ng 2021, naitala ng Rehiyon ng Ilocos ang pinakamataas na produksyon na may 8.04 MT, na nagbahagi ng 61.2 porsiyento ng kabuuang produksyon ngayong quarter. Sinundan ito ng Soccsksargen sa 18.3 percent at Cagayan Valley na may 13.7 percent share.

Inatasan din ang Bureau of Plant Industry na pamahalaan ang pag-iisyu ng mga permit sa pag-import, tiyaking hindi dapat pumasok ang mga import sa panahon ng pag-aani, upang hindi mapahina ang farmgate at retail prices ng mga sibuyas.

Maaalala na noong Enero, napigilan ng DA ang pagpasok ng mga smuggled na pulang sibuyas na nagkakahalaga ng PHP101 milyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.