Nagdeklara ng ceasefire ang Russia sa 2 lugar sa Ukraine para sa paglikas

0
251

Nagdeklara ng pansamantalang ceasefire ang militar ng Russia sa dalawang lugar sa Ukraine upang payagan ang mga sibilyan na lumikas, ang unang matagumpay na pagpayag upang makatakas ang mga sibilyan sa digmaan, ayon sa Russian state media kanina.

Sinabi ng Russian Defense Ministry sa isang pahayag na ito ay sumang-ayon sa mga ruta ng paglikas kasama ang mga pwersang Ukrainian upang payagan ang mga sibilyan na umalis sa estratehikong daungan ng Mariupol sa timog-silangan at sa silangang bayan ng Volnovakha “mula 10 am oras ng Moscow” (8 am GMT, 4pm sa Maynila). Hindi sinabi kung gaano katagal mananatiling bukas ang mga nabanggit na ruta.

Sinabi ng isang mataas na opisyal sa Mariupol na ang evacuation sa isang humanitarian corridor doon ay magsisimula ng 11 a.m. (9 a.m. GMT o alas 10:00 pm sa Maynila). Ayon naman kay Pavlo Kirilenko, pinuno ng Donetsk military-civil administration ng Mariupo, ang humanitarian corridor ay lalawak mula sa lungsod hanggang Zaporizhzhia.

Nagpahinga ang mga Ukrainian refugee malapit sa hangganan ng Polish-Ukrainian sa Medyka (ANSA)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.