Niyanig ng magnitude 5.3 lindol ang Occidental Mindoro

0
212

Niyanig ng magnitude 5.3 tectonic na lindol ang Occidental Mindoro bandang 8:09 kaninang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ang lindol ay aftershock ng magnitude 6.4 na yumanig sa lalawigan noong Marso 14.

Ang aftershock ay tumama sa 82 km. hilagang-kanluran ng munisipalidad ng Lubang, habang ang epicenter ng lindol noong Lunes ay natunton sa layong 110 km. hilagang-kanluran ng nabanggit na munisipalidad.

Nakapagtala ang Phivolcs ng 671 aftershocks hanggang alas-7 ng umaga ngayong Miyerkules.

Bayan ng Looc sa Lubang Island, Mindoro Occidental.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.