Bacoor City, Cavite. Patay ang isang barangay chairman sa Cavite matapos ma-ambush ng dalawang riding-in-tandem hitmen sa Barangay Niog 2, Bacoor City, Cavite, noong Linggo ng gabi.
Namatay habang daan patungong ospital si Jaime Alamo, barangay chairman ng Brgy. Panapaan 8, Bacoor City.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima, ayon sa report.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bacoor City Police Station, bandang alas-7:40 ng gabi habang minamaneho ni Alamo ang kanyang Toyota Wigo at bumabagtas sa nabanggit na lugar ng biglang sumulpot ang dalawang motorcycle riding criminals sa may Niog road. Agad siyang pinagbabaril saka mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Molino Blvd.
Kasalukuyang nagsasagawa a ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pagpatay. Inaalam kung may kinalaman ito sa pulitika. Bineberipika na rin nila ang ulat na ang biktima ay supporter ni Cavite Congressman Strike Revilla, at presidente ng Tricycle Operators-Drivers Association (TODA) sa nabanggit na lugar.
Ang biktima ay napag-alamang miyembro rin ng Cavite Elite Imus Eagles Club sa ilalim ng National Capitol Region 28.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.